Aa
Aa
A
A
A
Close
Avatar universal

hepa b

elow 2 everyone ! recently lang po ako nadiagnosed na may hbv for abroad sana  at naalaman ko lang yun nung nabigay na yung result ko ng medical at positive nga ko kagaya ninyo gumuho yung mundo ko halos gabigabi ako umiiyak parang gusto ko na mamatay dahil hindi ko matutulungan mga magulang ko financial dahil wala sila trabaho pati lola ko at ang pinakamasakit nauna umalis boyfriend ko sa akin at susunod lang ako pero kahit kelan hindi ko na magagawang makasunod sa kaniya para matupad ang pangarap namin makapag-ipon para sa magiging pamilya namin.Sobrang sakit nasa medical field ako kaya naiintindihan ko na wala na talaga tayong pag-asa gumaling pagdating sa gamot si God nalang talaga yung pag-asa natin.Ang hirap kasi lahat ng laboratory ko normal pati ultrasound sa liver normal rin yun nga lang hbv positive ako tapos alam ko naman kung paano ko hindi makakahawa pero hindi parin ako pede umalis normal ako namumuhay pero pagdating sa pag-abot ng mga pangarap ko biglang bumabagsak hirap isipin at tanggapin atleast sa forum na ito matuturing ko kayong mga kaibigan kahit hindi tayo magkakakilala personally kasi pareparehas tayo ng sitwasyon...
319 Responses
Sort by: Helpful Oldest Newest
Avatar universal
yan ang tamang diet. ganyan din ang ginagawa ko ngayon at may pagbabago  ang resulta ng lab ko. puyat lang ang di ko mabago sa akin. mga friends, search nyo sa internet yung high fiber diet.iwasan nyo alcohol,smoking at softdriks.kahit sabihin ng doctor na walang restrictions sa food.ikaw na ang gumawa ng restrictions mo sa sarili mo.kelangan natin palakasin ang liver natin para malabanan nya ang virus.wag kayo mawalan ng pag asa.
Helpful - 0
1161842 tn?1390184741
Sa tingin Hepatitis B mo ay acute lang kasi ako ng Livolin din ako for 5 months walang nangyari  positive pa rin ako. Chronic kasi yung sa akin kaya mahirap na talagang gamutin. Swerte ka acute lang yung sa'yo di katulad ng sa amin.
Helpful - 0
Avatar universal
tama pu yan.. positive kau mg-icp lht.. :)
Helpful - 0
Avatar universal
tama pu yan.. positive kau mg-icp lht.. :)
Helpful - 0
Avatar universal
hi guys.. im d.L.. 18y.o.. habang binabasa ko ang mga post niyo, nakakakuha ako ng information about hepaB.. wala akong hepa b, ang boyfriend ko ang meron.. nung una di ko alam na may sakit siya pero lagi akong nagtataka kung bakit hindi siya kumakain ng baboy.. tinatanong ko kung may sakit siya.. wala naman daw.. ayaw lang daw niyang tumaba.. dumating sa point na kelangan naming magpamedical sabi sa school.. wala na siyang maiitago sa akin kasi sabay naman kaming mapapamed. then before the medical kinausap niya ko ng masinsinan.. sabi niya may sakit nga raw siya.. hindi na ko nagulat don kasi may hinala na kong ganoon.. tanggap ko siya kahit meron siyang sakit.. sabi nga niya noon ayaw daw niyang mahawaan niya ko kaya natatakot siyang magkaroon kami ng contact.. tulad ng iba sa inyo halos gumuho ang mundo niya nung nalaman niyang may sakit siya.. pero nalaman niyang di lang pala siya ang may sakit na ganun.. pati ang mama at ate niya.. kaya natanggap niya yun sa sarili niya.. halos araw-araw nag-aalala na kami kung anu ang lagay ko kung infected na din ba ako o hindi.. lumabas yung resulta at awa ng diyos hindi naman ako nahawa sa kanya.. tumagal kami ng 9months. at hanggang ngaun di pa rin nawawala sa amin ang pag-aalala kaya muli nagpacheck-up ako.. nagtataka nga ang doctor kung bakit ako magpapablood test kung wala naman akong nararamdaman.. gusto lang talaga naming makasigurado.. at kahapon lang nalaman kong negative pa din ako sa hepaB test.. kaya ngayon masayang-masaya siya..

sa iba po.. wag po kayong mag-aalala, may nakatakdang tao po na handang tumanggap sa inyo kahit pa dala niyo ang sakit na yan.. hanggang ngaun di ko pa rin po alam kung paano ko haharapin ang magulang ko kapag nalaman nila na may sakit ang bf ko.. pero handa ko siyang ipaglaban, kahit bata pa ako masasabi ko na kahit anu pa man po ang kalagayan ng isang tao basta mahal mo at mahal ka.. makakaya niyo ang lahat with God.. :)

tanong ko lang po kelangan ko po bang magpabakuna kahit sa tagal namin ay hindi po ako nahahawaan? at paano ko po siya aalagaan?
Helpful - 0
Avatar universal
mag pa vaccine ka na mura lang naman un like my wife bago kami kinasal pina vaccine ko na saya hanggang booster at awa naman ng Dios nag produce na sya ng panlaban.

ngayon nag sasama kami sa tulong at awa ng Dios binayayaan kami ng dalawang supling panganay ko lalake at ang bunso ko babae last may 8 lang pinanganak wala naman akong worry sa mga babies ko kc after birth ang baby ngayon bina vaccine ng anti Hepa B.

ang paniwala ko kc  "Nasa diwa ng Dios ang pagkukusa."

Tuloy lang sa buhay mga Kapatid. "Dios ang Sumusugat Dios ang Nagpapagaling base sa Bible...

:) SMILE LANG KAPATID. malungkot ka normal lang yan pero palitan mo ng SAYA at Tiwala sa Dios gagaling din tayo...
Helpful - 0
Have an Answer?

You are reading content posted in the Hepatitis B - Philippines Community

Didn't find the answer you were looking for?
Ask a question
Popular Resources
A list of national and international resources and hotlines to help connect you to needed health and medical services.
Herpes sores blister, then burst, scab and heal.
Herpes spreads by oral, vaginal and anal sex.
STIs are the most common cause of genital sores.
Condoms are the most effective way to prevent HIV and STDs.
PrEP is used by people with high risk to prevent HIV infection.